Isang makabuluhang pagtitipon ng mga guro sa Filipino mula sa iba’t ibang pamantasan ng SUC’s Rehiyon IX, ang naganap kamakailan sa Zamboanga City State Polytechnic College; ang “Regional Consultation Workshop among SUC’s for a Coordinated Drafting of Standard Syllabi for Filipino Courses”Ito”y pinangungunahan ni Prop. Jocelyn P. Remoto, ang aktibong dekana ng College of Arts, Humanities and Social Sciences noong Enero 17-18, 2019 sa Medical-Dental Building ng ZCSPC.

Iminungkahi ang worksyap na ito dahil sa kasalukuyang napag-uusapan at pinagdedebatehan sa bansa ang kontrobersyal na isyu tungkol sa pagkansela ng asignaturang Filipino sa kolehiyo. Layunin ng pagpupulong, ang makapagtamo nang malinaw na kaisahan sa layunin at tunguhin ng pagtuturo nito ang tinatawag na levelling off para sa lahat ng gurong makapagtuturo ng  kursong ito; makabuo ng panibago at pare-parehong deskripsyon ng kursong ituturo, at silabus na kilalanin sa lahat ng SUC’s at HEI’s.             

            Dinaluhan ito ng mga guro mula sa iba’t ibang pamantasan ng Zamboanga City at karatig na mga lugar; Ateneo de Zamboanga University, Immaculate Archdiocesan School (Tetuan), Zamboanga State College of Marine Sciences and Technology, Basilan State College, JRMSU Dapitan Campus, Western Mindanao State University, JS Cerilles State College and Zamboanga City State Polytechnic College. Si Dr. Nelson P. Cabral, President II, ang siyang nagbigay ng pambungad na pananalita at makabuluhang  mensahe.

Dr. Jacinta R. Tan, OIC-Supervising Education Program Specialist, CHED Regional Office IX, ang inanyayahang maging panauhing pandangal sa naturang konsultasyon.Nagbigay ito ng kaukulang paliwanag sa estado ng   asignaturang Filipino sa mga pamantasan. Ayon sa kanya, maaaring kanselahin  ang naturang asignatura dahil sa napabilang na ito sa kurikulum ng Senior High School. Tinalakay rin niya ang CMO 04, (Policy on the offering of Filipino and Panitikan subjects in all Higher Education Programs as part of the New General Education Course

 at CMO 20 na kung susuriin ay hindi na kasama ang asignaturang Filipino. Sinagot din niya ang ilang katanungan ng mga guro sa tunay na estado ng asignatura. Binigyang diin  ni Dr. Tan na ang mga kursong may board exam  ay may siyam na yunit ng Filipino at anim na yunit naman para sa mga non – board courses. Ang mga guro sa Filipino ay    maaaring magturo ng ibang asignatura kung mayroon itong sapat na materyales na magagamit sa pagtuturo.

Nagkaroon din ng malayang talakayan sa pangunguna ni Prop. Remoto. Dito ibinuhos ng mga partisipante ang mga katanungan, agam-agam, paglilinaw, at mga suhestiyon na nakadetalye at dokumentado para maipaabot sa kinauukulan. Bawat kinatawan ng pamantasan ay umaasa na mabigyan ng opisyal na klaripikasyon ang kanilang mga katanungan. 

Makabuluhan ang mga naging talakayan dahil malayang ipinahayag ng mga kalahok ang kani-kanilang saloobin sa pagsuri at pagtalakay sa bawat kategorya ng silabus. Sa kabila ng diskusyon at pagpapalitan ng sariling opinyon at pananaw, ay nagkaisa ang mga guro sa pagbuo ng silabus na angkop sa pangangailangan ng mga mag-aaral sa kasalukuyang pagkakaisa ng mga guro ng iba’t-ibang pamantasan henerasyon. Ang rebisyon na ito na nilagdaan nang mga guro at ang mga proceedings sa consultation workshop ay isusumite sa Commission on Higher Education para sa pinal na pagsusuri,  pagsang – ayon at pagpapatupad. 

Sinang-ayunan  din ng grupo na bumuo ng mga opisyales sa tawag na ZAMPEN Filipino Teachers Association (Tertiary level). Nagkaisa sa isang layunin na lalo pang maitaguyod at mapalakas pa ang

Asignaturang Filipino.  

by: Gay C. Dela Cruz and Lizbeth G. Ringor